Daliring Madaldal


Watermelon in my mind

Posted in Uncategorized by imart8 on the February 3, 2008
Tags:

Hindi naman sa ako’y nagdududa sa aking nanay nung natanong ko minsan kung saan o kanino nya ako pinaglihi. Minsan kasi naging isang topic kung saan pinaglihi ang isang tao kaya syempre clueless ako before I finally discovered na sa watermelon pala. Hmmm… malamang nga kasi further reveleations were told to me na malawak ang sakahan naming tinamnan ng pakwan noong mga araw. At sa tindi pa nga ng kainggitan ng isang tiyahing kapitbahay eh nag-inject pa nga ng mga ‘gamot’ sa mga bunga. Fotek. Ebidensya: isang naiwang syringe needle na sya lang ang gumagamit. Adik? At sa tindi ng topak ng sumusulat ng entry na ‘to, malamang nga eh nakain ng nanay ko yung mga pakwang may injection habang ipinaglilihi ako. Toink!

When I was a cute little toddler, where watermelons of all sizes are abundant within just a few feet from our kitchen, the moment when I’ll just go and pick up the farm-fresh fruit as long as I can carry is still fresh in my memory. Kasi naman mas mabigat pa yung pakwan kesa sa akin noon kaya kasing-liit lang ng bola ng softball yung kaya kong buhatin. And then I’ll ask my Nanang (lola) to slice it into two and grab my Hotoku spoon na parang pantanggal kalawang sa tenga yung dulo and enjoy scooping small bits of sweet, red, and juicy goodness of this farm produce. And yea, thank to my pop’s remarkable hardwork. He’s the best farmer in the whole wide world (;

Ang hindi ko lang maisip ay ang mabigyan ng connection ang aking pagkatao sa pakwan. So far, wala pa namang naninigaw sa akin ng “hey, you watermelon-head!”. O kaya eh “anak naman ng pakwan, o!” At sa konting duda ko kay nanay, naisip ko tuloy na sa tupa nya talaga ako pinaglihi kasi minsan nasigawan nya ako ng “ayuff!”

One major characteristic of the watermelon is its ability to hold fluid or moisture inside a hard shell, thus trapping moisture for its seeds to mature so it can produce the highly-demand butong-pakwan that you’d love to crack with your incisors and long-nose pliers. Naalala ko tuloy yung istorya ng isang mokong na nagsabing yung proseso daw ng paggawa ng pakwan eh hinahaluan lang yung mga buto ng asin saka hinahalo-halo gamit ang mga paang may matinding kapit ng alipunga. What da heck. Simula noon, napatigil na ako sa kabibili ng tig-sisingkwenta sentimong pakete ng mga ninuno ni Captain Sid. Buti na lang may Cornbits. Isama mo na rin ang Sugo.

Madalas nakikita natin sa TV yung mga taong pinaghihinalaang ipinaglihi sa mga pagkain o hayop kagaya ng talangka, luya, pato, palaka at kung ano pa. At tila malaki nga ang ebidensya sa pisikal na itsura pa lang. Sa alimango pinaglihi ang kapatid ko at tila alam namin na sobrang sakit ng kurot nya kaya tinawag namin syang “kappi” (crab sa ilocano). Yung panganay ng isa kong pinsan naman, adik na adik ang nanay nya noon sa Super Mario gamit ang nintendo family computer. As a result, isang super kuleeeeeeeeeet na babaeng kung dalhin mo sa observatory eh parang buhay na Mario without the keypad controls. toink?! toink?! Ano naman kaya ang itsura ko kung kay superman ako pinaglihi?

Kadire!

Kung may scientific basis nga ito, malamang malaki ang role ng paglilihi sa sangkatuhan in general. The Bible says that the first parents were Adam & Eve at ang unang supling nila ay si Cain. Sa maitim na pag-uugali ng unang anak, sa forbidden fruit ba sya pinaglihi at si Abel naman eh sa tupa? O baka naman sa durian ice cream na sinawsaw sa bagoong na may sukang puti?

 Ikaw, saan ka ipinaglihi? Kay Batman?