Daliring Madaldal


Walk like a star with Mont Blanc Starwalker

Posted in Uncategorized by imart8 on the July 6, 2008
Tags:

after thinking of what’s going to be my object of desire after receiving a delayed salary, i finally embarked myself in craving for a new scent. i really had to hop from one mall to another just to take some perfume samples sprayed in small paper strips. and the lucky verdict: MONT BLANC STARWALKER. 

i’ve learned my lesson from buying perfumes in lucky plaza. buying there again makes me think more than twice after realizing that it’s not worth the cheap price. i’m not saying that they’re fake but ika nga ni pareng lexter, “ang ganda talaga ng pagkaka-gaya. kuhang-kuha!” hehehe. my dkny – be delicious for men has lost its integrity. it makes me hate pushing the button before leaving my pad maybe because sawa na ako or maybe the original smell has gone somewhere else.

buying this puffer is indeed a guilty pleasure but it’s worth every milliliter of it. this is a best seller knowing that i had to troop down to paragon from the mont blanc boutique in raffles city where it has already been sold out. the 50ml eu de toilete fetches at S$87 while the $75ml smells like S$113.

whoa. i’m dying to spray it on tomorrow early morning. i hope that it’s worth the investment. ang bango ko!!!

(:

Mont Blanc Starwalker

Sino ba ang nag-imbento ng ERROR?!

Posted in Uncategorized by imart8 on the May 15, 2008
Tags: , , ,

Kung ika’y isang programmer lalo na pag naghahabol ng deadlines (ba’t nga pala kaya tinawag na ‘deadline’ kung may extensions naman), malamang isa kang kagaya kong magmumura na lang sa gitna ng kalamidad este katahimikan at kaseryosohan sa opisina, mapa-sariling kumpanya man o kliyente KAPAG may aakalain mong bibiruin ka ng computer mo ng isang mahiwagang mensahe: “Error: No attribute cherva ek ek”. Juicemio. Mapapa-fotek na walang hininga akooooooo sa kaka-research, kaka-forum-hopping ng mga solutions at kung ano pang pwedeng mapagkunan ng kasagutan kung bakit may isang fotek na error itong ginagawa ko.

 Sya nga pala, salamat at may mga pantanggal tensyon. Iyan yung bibigla akong tatayo, lalabas ng opisina, kukunin ang protractor at susukatin kung ilang degrees na ang shadow na ginuguhit ng araw katabi ng isang poste ng ilaw. Oo, gusto ko nang umuwi. Yun lang ang magiging solution pagkatapos ko i-burnout lahat ng calories ng brain cells ko kaka-troubleshoot ng linchek na ‘to. Buti kung maiisip ko pa kung ano ang lulutuin ko mamayang hapunan. Sana nga lang, kagaya sya ng mga dating errors na konting chibug lang ng kamote para mautot na pwedeng ikamatay ni Lola sa katabing kwarto ko eh dun na masosolve ang problema. Pero hindeeeeeeeee.

Ok, ok. Saan nagkaka-error. Syempre pag nag-sasave ako ng record. Kinakausap ko na nga sarili ko at hindi lang ako nag-iisa. Malamang nung nagninilay-nilay si Rizal kung paano nya tatapusin ang El Filibusterismo, madalas din syang mag-monologue na walang audience kundi ang mga langgam na walang ginawa kundi pagdiskitahan ang kanyang biskwit. Baliw na kung baliw pero wala akong pakialam. Malaking pera ito para sa lintchek kong amo pag natapos. Oo sa kanya lang. Asa pa ako.

Watermelon in my mind

Posted in Uncategorized by imart8 on the February 3, 2008
Tags:

Hindi naman sa ako’y nagdududa sa aking nanay nung natanong ko minsan kung saan o kanino nya ako pinaglihi. Minsan kasi naging isang topic kung saan pinaglihi ang isang tao kaya syempre clueless ako before I finally discovered na sa watermelon pala. Hmmm… malamang nga kasi further reveleations were told to me na malawak ang sakahan naming tinamnan ng pakwan noong mga araw. At sa tindi pa nga ng kainggitan ng isang tiyahing kapitbahay eh nag-inject pa nga ng mga ‘gamot’ sa mga bunga. Fotek. Ebidensya: isang naiwang syringe needle na sya lang ang gumagamit. Adik? At sa tindi ng topak ng sumusulat ng entry na ‘to, malamang nga eh nakain ng nanay ko yung mga pakwang may injection habang ipinaglilihi ako. Toink!

When I was a cute little toddler, where watermelons of all sizes are abundant within just a few feet from our kitchen, the moment when I’ll just go and pick up the farm-fresh fruit as long as I can carry is still fresh in my memory. Kasi naman mas mabigat pa yung pakwan kesa sa akin noon kaya kasing-liit lang ng bola ng softball yung kaya kong buhatin. And then I’ll ask my Nanang (lola) to slice it into two and grab my Hotoku spoon na parang pantanggal kalawang sa tenga yung dulo and enjoy scooping small bits of sweet, red, and juicy goodness of this farm produce. And yea, thank to my pop’s remarkable hardwork. He’s the best farmer in the whole wide world (;

Ang hindi ko lang maisip ay ang mabigyan ng connection ang aking pagkatao sa pakwan. So far, wala pa namang naninigaw sa akin ng “hey, you watermelon-head!”. O kaya eh “anak naman ng pakwan, o!” At sa konting duda ko kay nanay, naisip ko tuloy na sa tupa nya talaga ako pinaglihi kasi minsan nasigawan nya ako ng “ayuff!”

One major characteristic of the watermelon is its ability to hold fluid or moisture inside a hard shell, thus trapping moisture for its seeds to mature so it can produce the highly-demand butong-pakwan that you’d love to crack with your incisors and long-nose pliers. Naalala ko tuloy yung istorya ng isang mokong na nagsabing yung proseso daw ng paggawa ng pakwan eh hinahaluan lang yung mga buto ng asin saka hinahalo-halo gamit ang mga paang may matinding kapit ng alipunga. What da heck. Simula noon, napatigil na ako sa kabibili ng tig-sisingkwenta sentimong pakete ng mga ninuno ni Captain Sid. Buti na lang may Cornbits. Isama mo na rin ang Sugo.

Madalas nakikita natin sa TV yung mga taong pinaghihinalaang ipinaglihi sa mga pagkain o hayop kagaya ng talangka, luya, pato, palaka at kung ano pa. At tila malaki nga ang ebidensya sa pisikal na itsura pa lang. Sa alimango pinaglihi ang kapatid ko at tila alam namin na sobrang sakit ng kurot nya kaya tinawag namin syang “kappi” (crab sa ilocano). Yung panganay ng isa kong pinsan naman, adik na adik ang nanay nya noon sa Super Mario gamit ang nintendo family computer. As a result, isang super kuleeeeeeeeeet na babaeng kung dalhin mo sa observatory eh parang buhay na Mario without the keypad controls. toink?! toink?! Ano naman kaya ang itsura ko kung kay superman ako pinaglihi?

Kadire!

Kung may scientific basis nga ito, malamang malaki ang role ng paglilihi sa sangkatuhan in general. The Bible says that the first parents were Adam & Eve at ang unang supling nila ay si Cain. Sa maitim na pag-uugali ng unang anak, sa forbidden fruit ba sya pinaglihi at si Abel naman eh sa tupa? O baka naman sa durian ice cream na sinawsaw sa bagoong na may sukang puti?

 Ikaw, saan ka ipinaglihi? Kay Batman?

Ang Panimulang Labada

Posted in Uncategorized by imart8 on the January 27, 2008
Tags: , , , , , , , , , , ,

Finally, a blog is born to recognize my talkative fingers. Sa hindi ko maiwasang dahilan na na-inspire ako sa mga panunulat ni Kwentong Barbero, gamit ng aking mga daliring ubod ng kati sa pag-type, susubukan kong magdaldal hindi lamang para mailabas ko yung mga tagong dikta ng aking mga damaged brain cells hindi lang para maaliw ang mambabasa kundi para maghilom ang mga ito kahit konti tungo sa katinuan. Letseng buhay ketdi. Opo, isang mokong na Ilocanong may kayumangging siko ang nagmamay-ari ng mga daliring ito at sa kasalukuya’y nagpapaka-alila sa mga Tsekwa dito sa Singapura bilang isang IT consultant & developer at hindi bilang isang taga latigo ng mga pinaparusahan.

Hindi pala biro ang gumawa ng entry dito. Kailangan ng oras para makabuo ng isang linya ng mga letrang makabuluhan. As of writing time, eto nanonood ako ng mga walang kakwenta-kwentang palabas sa channel 5 ng local TV habang hinihintay matapos ang sinalang kong labada sa washing machine at matapat sa zero ang timer ng makinang tagatuyo ng mga puting labadang nauna sa de-color. Ang sipag, siet.

Dapat ay namamalengke ako sa araw na ‘to. Naghahanap ako ng dahilan kung ba’t di pa ako bumabangon kanina ng dapat namang sinusuyod ko na ang palengke para makatipid para sa susunod na linggo hanggang naisip kong wala na pala akong moolah para ipamalengke. Bwiset. When will I resign and start earning better? Ano sa tingin mo, Kabayow? (Kabayo ang tawag ko sa amo ko sa opisina. Don’t ask me to elaborate why.) Palibhasa nagsisimula na akong maging asset. Kumbaga sa eroplano eh nakapag-take-off na ako sa runway at pwede nang sumabak sa mga giyera ng opisina. Para na ring mamamatay-tao from a dumb little sheep na tatahimik na lang kung pine-pressure. Akala nyo ha! You’ve just started to be a liability for me in return. Ngarrrr!

Sana sa linggong ito, matapat sa S$1:PhP30 na sa tingin ko eh malabong mangyari. Remittance nga naman. Yung mga may utang sa akin sa Pinas, magbayad na kayooooo! Mabuti at hindi ako kagaya ng mga loan sharks dito sa Singapura at pinapinturahan ko na ang mga dingding, pader at pintuan nyo ng malalaki, namumula at nag-iitimang O$P$. Ang ibig sabihin nito ay Owe Money, Pay Money. Gobyerno karamba!

Ayan, tumunog na ang alarm ng aking labada. A year ago, sa araw ng linggo, labada pa rin ang aking kinukutingting at ngayon ay tila may konting pinagbago: gentle ang aking hands. Nyahahaha! Oo dati, kuskus-balungos at piga ang kelangan para matapos ang ultimate Sunday ordeal. Ngayon, pang-mayaman: walang kuskos, walang piga, walang piga ng kalamansi o chlorox, at higit sa lahat, walang balnaw at sampay. Salamat sa imbentor ng mga makinang ito. Sana buhay pa ang nanay ko para maranasan namang hindi maglaba sa aming poso ng makapaglaro kami ng buong family ng majjhong.

Ikaw, nakapaglaba na ba? Ciao!

(: